Sunday, May 10, 2015
Filled Under
money making
Adsense
Ang post na to ay paalala lamang na dapat hindi natin balewalahin ang pagkakaroon ng Google adsense kasi eto ang pinakastable na make money online. Malamang ang iba sa atin elementary pa lang nanndyan na ang google adsense na kasi 9 years na to. Yung mga HYIP, PTC, paid to surf at kung ano ano kadalasan biglaan na lang nagsasara. Kung kumikita na tayo online sa mga nabannggit ko wag nyo kalimutan ang oppurtunidad kumita din sa pag bloblog at via google adsense. Mas maraming pagkakitaan online mas okay.
DISCLAIMER : hindi ako experto at hindi ako professional pero taon na ako kumikita sa pag bloblog. Wag din kalimutan nasa tao talaga kung kikita sya o hindi. In short nasa inyo na kung susundin nyo o hindi ang mga nakalagay dito. Hindi rin to recruitment thread kaya wag nyo isipin nagrerecruit lang ako dito kasi walang recruit recruit ang pag bloblog. Ginawa ko lang to dahil gusto ko at gusto ko rin share kasi malaking tulong ang kita ko dito sa pamilya ko. Hopefully makatulong din eto sa inyo.
Ano ang Blogging ? Ano ang Google Adsense
Blogging - kung dati may diary ngayon naman may blog at online na sya. Ibig sabihin kung ano ang gusto mo ilagay sa website mo ilagay mo basta hindi bawal kay google adsense. Pero kung trip mo lang ang magblog at wala ka balak kumita ikaw na po ang bahala sa content mo.
Google Adsense - Eto ay isang online programa galing sa Google Inc kung saan ang mga miyembro dito ay pwede kumita sa pamamagitan ng pag lagay ng codes sa blog sites nila at doon lalabas ang mga advertisment galing sa cliente ng Google. Per Click ang kwentahan ng kita.
BASIC REQUIREMENTS PARA KUMITA KA
- You should be at least 18 years old. Pwede rin parents mo muna ang e apply mo or kung may ID like postal ID na pwede pang claim sa western union pwede na yan kahit below 18 basta wag lang bata masyadong tingnan.
- Kailangan marunong ng basic english. Kahit elementary na english pwede na yan.
- Syempre dapat may computer & internet sa bahay. Kung wala pwede rin naman sa Icafe kaso medyo magastos yan
- Masipag at dapat hindi tamad magbasa
HOW TO START
- Umpisahan nyo sa pag kakaroon ng blog site o website. Pwede kayo mag signup sa blogspot.com o sa weebly at kung may pera naman register na lang kayo ng domain name (.com, .net, .org)
- mag isip kayo ng pwede nyo e sulat. Usually mas mapadali kung ang isusulat nyo yung hilig nyo wag lang illegal. Ex. mahilig kayo mag laro ng online games pwede dyan kayo mag umpisa. Kung Programmer kayo pwede mga tutorial ang isusulat nyo, kung mahilig kayo mag travel pwede nyo isulat ang mga napupuntahan nyo na lugar, kung mahilig kayo sa artista pwede din yun ang mga isusulat nyo at kung ano ano pa
- Mag post kayo araw araw. Kahit isang post isang araw o kung busy masyado kahit every 3 days . Mas madalas kayo mag post mas mapapabilis ka kumita.
HOW TO APPLY FOR GOOGLE ADSENSE
- Iba iba ang paraan sa pag apply pero ang sasabihin ko lang dito ay base sa experience ko.
- Mag lagay kayo ng content sa blog nyo at kung aabot na ng 15 - 20 good content at KUNG 1 month na in blog nyo pwede na kayo mag apply ng google adsense sa http://www.google.com/adsense
- Wag na e apply kung puro copy and paste, super iksi ang post or puro images lang. Di rin pwede mga download sites o mga illegal o underground ang content. Mababa o zero chance maapprove yan.
What Content/ Niche you should you use for Applying a Google Adsense Account ?
- Any legal niche / content will do pero eto pa lang ang natry ko gamitin pang apply :
- Blog site #1 with general content about showbiz, entertainment, sports
- Blog site #2 gaming content about MMORPG, Facebook Games, Android Games, Apple Games, PC games, Wii games, Xbox games with reviews and screen shots.
- Website #1 - This site looks like a business website about Resorts with more than 10 pages showcasing pools, photos of rooms, information on how to go to the location and other information
- Website #2 - Site about robotics and parts.
You can experiment with other niche just make sure you put good content to your blog site or wesbite.
Contents with little or zero chance of approval (Don't post anything like this)
- PTC. Ptp and pirated download contents
- Post about hacking, gambling, make money online na may temang kikita kapag mag visit.
- Too personal content like nag kwento ka lang na pumasok ka sa school o na date kayo ng bf/gf mo.
- Very short content
- COPY AND PASTE CONTENT o nakaspin pero obvious pa rin copied content. kung ang simpleng blogger kaya malaman kung paano tumingin ng ganun what more kung google personnel na yan.
- wag nyo lagyan ng content na sa tingin nyo illegal.
- Theme na masyadong maarte na di namababasa ang text ng content.
- Don't apply if your content is TV shows streaming
- Remove adf.ly or any similar programs.
How to protect your site from click bomb
- Always check your adsense earning as often as possible. This will help you notice unusual clicks.
- Make sure to use the option Authorize Sites in your settings and list all your blog urls on the box. Once you notice unusual clicks you can remove that specific url on the list. Remember urls not listed on that box means no matter how many clicks that site generates you wont won earn and google adwords advertisers won't also lose money. In short google won't check your account for invalid clicks.
- Avoid posting your site on forums that has history of high invalid clicks. This will be a risk on your part.
- Once you see invalid clicks make sure to report it to google before they will notice it. This will give them impression that you are a honest adsense user. Use this form but make sure you login to your google account or gmail first.
Other informaton
- Ang waiting time ng pag approve at 3 to 4 days minsan walang reply. Minsan walang reply pero approved na pala. Mag apply ka na lang ulit kung sure ka ok ang content mo. Baka nakaligtaan lang.
- Kapag sinabing under review pa ang website mo meaning di pa yan approved. Meaning wag muna magsaya.
- Kung may adsense ka at kapag umabot na ng $10 earnings mo papadalhan ka na ng pin.
- Ang pin at dumarating 3 to 4 weeks depende sa lugar. Minsan nawawala at need mo mag request ulit. You have 6 months chance at dapat matanggap mo ang pin mo.
- Kapag bago ang adsense mo wag ka masyadong excited at magclick ka o paclick ka sa mga kaibigan mo. karamihan wala pang one week banned na account mo. Medyo hot pa kasi ang personnel ng google kung bago ang account mo.
- Wag din sumali sa mga clicks exchange group kasi tandaan isang araw mabibisto din kayo. At ilan na ba ang talagang kumita sa pag sali sa click exchange group ? tumagal ba ang groupo ?
- Wag sumali sa mga traffic exchange sites.
- Di pwede gamitin ang wordpress.com kasi di pwede lagyan ng adsense code ang subdomain nila doon unless premium account ka. O di kaya kung may sariling domain ka tapos wordpress ang system ginagamit mo for blogging.
How to look for keywords that will suits your blog niche ?
- Basic tool use https://adwords.google.com/select/KeywordToolExternal ( explore it.)
- Pwede ka rin tumingin dito www.google.com/trends
Basic strategy to rank your content for specific keywords
- Keep on doing back linking to your blog post. Slowly!
- Don't be afraid of investing and buying domain names or paying for web hosting because having several domain names can help you build your back links.
Bagay na iwasan
- Wag puro na lang basa at puro na lang tanong. Useless din yan kung ayaw nyo sundin ang inaadvise sa inyo or worst gusto nyo kumita thru blogging tapos ayaw nyo gumawa man lang ng effort.
- Wag na wag kayo mag trial and error sa website nyo na kumikita or sa main blog site nyo. Kasi kung magkamali ang pag experiement nyo baka di na lilitaw yan ulit sa google search results kasi na penalize na ni google.
Maarte google no ? pero para akin ok lang yan kung malaki naman kikitain natin at pang matagalan. yan po muna. Matagal na ako may google adsense pero mga 2009 ako nag bloblog talaga at kumita din na few hundred dollars monthly hanggang sa pumalo na sa 1k++ last year 2011. Ang pinakamabilis na kilala ko nakapayout ay 3 months kasama na ang pin pang verify at minimum payout na $100. May iba isang buwan lang kumita na ng libo USD kaagad kahit bagong blogger lang pero huling balita ko di nya nakuha at na banned kaya ingat din sa ganun lalo na kung illegal. Walang pipigil sa inyo gumamit ng blackhat o underground na paraan para kumita sa adsense basta lang wag ka lang magsisi o malungkot kung ma banned adsense mo o di kaya wag abusuhin ang blackhat na paraan dapat tama lang.
Alternative sa adsense
- Nuffnang
- Infolinks
- Chikita
at marami pang iba pero so far adsense ang pinaka okay at pinaka related na ads ang lumalabas.
LEARN SEO (CLICK HERE) -> Check out the thread started by our fellow symbianize member
Ang kagandahan ng Nakukuha sa tiyaga, pagbabasa ng tips or guide ang pagbloblog. Kaysa maubos ang oras natin sa kakahanap ka ka exchange click mas maigi magbasa na lang tayo.
Natuto rin ako sa kakabasa sa mga forums lalo na sa mga matagal na kumikita ng malaki. last year nasa hundreds lang kinikita ko per month hanggang sa Umabot din at lumagpas pa ng 1k USD monthly
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment